Posted in Poems, Songs & Other Works, Random Thoughts, When Inspiration Strikes

See you when I see you, Paramore!

This is a free-verse poem I made lol

Two days left
The band I love the most will arrive
The band I really wanna see
The reason why I have broken school rules and got in trouble
Can’t go to the concert
Haven’t got a ticket
Tried to join a giveaway contest but failed
It breaks my heart

Don’t care about Valentines
Envious of those who’ll sing along to their favorite songs
Imagining Hayley belting notes
And banging her head
Taylor gracefully playing the guitar
Zac madly playing the drums
I’m so fake happy.

Paramore,
Hope this isn’t your last concert here
I’m excited for your next album
Gonna make sure I am one of the crowds
Singing at the top of my lungs

#TeamBahay 

Posted in Poems, Songs & Other Works

Phenomenology about Environment

Isa ka ba sa mga taong sumasabay lang sa agos? Gumagaya lamang sa ginagawa ng nakararami? Tama nga bang magsawalang-bahala at mag-conform na lang sa kung anong nakasanayan ng lipunan?

Lumaki ako sa isang barangay na madumi at mabaho. Dito na ako sa Gulayan nagka-isip at nagkamuwang. Habang tumatagal ang panahon, hindi ko maiwasang magtanong. Kung bakit ganito? Bakit ganito ang kinagisnan ko…

Likas na sa akin ang pagiging mausisa. Nung bata pa ako nakukulitan na sila mama dahil sa dami kong tanong. Marami akong gustong alamin. Ang kinatitirikan ng bahay namin ay puno ng basura. Ito ay nagmimistulang dagat ng basura. Araw-araw ko ding naririnig ang maiingay na kabitbahay—nagsisigawan at nagmumurahan. Nasanay na rin ako sa ganung sitwasyon.

Ang mga tao ay kung saan-saan nagtatapon ng basura. Natatambak ang mga ito sa kanal, estero, ilog, atbp. na siyang sumisira sa ating kalikasan. Ako din mismo ay nakakalimutang magtapon ng kalat sa tamang tapunan. Patuloy lang itong nangyayari. Hanggang sa dumating ang isang trahedya na makakapagpabago ng aking pananaw sa buhay.

Ang bagong Ondoy na tumama sa Pilipinas noong ika-26 ng Disyembre 2009. Sa loob lamang ng siyam na oras ay nagbaha sa iba’t-ibang lugar. Nagbunga ito ng pagkasawi ng 288 katao at pagkawala ng tahanan ng maraming Pilipino. Naranasan kong maglusong sa baha na abot hanggang balikat. At makipila sa namimigay ng relief goods.

Lumulutang ang napakaraming plastik sa paligid. Mukhang yun na nga ang bunga ng lahat ng ating kapabayaan at pagwawalang-bahala. Nalampasan ng aming pamilya ang trahedya at sinubukang bumangon muli.

Ngayon ay natutunan ko  nang maging responsible at disiplinado. Pinangaralan kami ni papa na simula noon ay ‘di na kami magtatapon ng basura kung saan-saan. Lalong-lalo na sa ilalim ng aming bahay.

Tumakbo ako sa SSG sa posisyong P.i.o in English nung junior high school at ako ay nanalo. Ginampanan ko ang aking mga plataporma. Nagtulungan kaming mga naluklok upang mas mapabuti ang kalagayan ng aming paaralan. Kapag may libreng oras ay pumupunta kami sa bawat silid/classroom para mangolekta ng mga papel at plastic bottles na maaaring ibenta sa junk shop. Ang perang pinagbentahan ay mapupunta sa aming pondo. Ito ang ginagamit naming panggastos sa iba’t-ibang aktibidad o programa sa paaralan. Hindi na rin ako umaalis ng classroom ng basta-basta hangga’t may kalat pa. Pinupulot ko ang mga lukot na papel sa ilalim ng armchairs at tinatapon sa trashcan. Pinagsasabihan ko din ang aking nakababatang kapatid kapag siya ay nagkalat sa bahay o kahit saan pa man.

Dahil sa pangyayaring iyon ay napagtanto ko na hindi dapat tayo dumedepende sa ibang tao at hindi sa lahat ng oras ay tama ang nakararami. May mga bagay na kailangan mong alamin ng ikaw lang mismo. Simulan mo muna sa iyong sarili bago mo tignan ang pagkakamali ng iba. Hindi rason ang sabihing, “Sila din naman eh.” Ang sarili mo lamang ang tutulong sa’yo. Lalala ang sitwasyon kung ikaw ay patuloy na gagawa ng pagkakamali. Isang pagkakamali na inaakala mong maliit lang at hindi nakakapinsala. Bakit ‘di ka manindigan at ipaglaban ang tama? Bakit ‘di mo subukan? Kahit mag-isa ka lang. Malay mo tularan ka rin ng iba. Kung tutuusin ay possible pang maibalik ang paraisong pinapangarap kung tayong lahat ay magtutulungan, magkakaroon ng pakikialam at pagmamalasakit sa kalikasan.

Posted in Personal, Poems, Songs & Other Works

A Eulogy for my Beloved Grandpa

I was really shocked when my aunt messaged me on Facebook saying that my grandpa is already dead. It was exactly two months ago. They say that people value things when they’re already gone. But for me, the truth is we never really thought that they will leave us. In short, we take them for granted.

I remember those times when grandpa taught me basic Mathematics like adding, subtracting, division and multiplication. I feel confident because my relatives said that I’m an advanced learner. He would give me problems, and I will answer those. That was our daily routine before.

My grandfather is just a simple person. He smoke and drink alcohol. Playing mahjong is one of his hobbies. And like me, he also loves to sing. We often sing karaoke. He also has a good sense of humor. It’s fun being with him. I call him Papa Lolo.

The time came when my parents had a huge fight. My mother decided to take me and my younger brother Jeremy to our province. I was only eight years old back then, so no choice, I agreed reluctantly.

They sent me to school. Grade 2. I lived with my grandparents, uncle, and aunts. That was one of the memorable moments in my life. I met new classmates there and became friends with them.

My mother is sometimes a strict person. One day, I came home late because I was playing with my besties. My mother was very angry. She took a stick to beat me. When she was about to do that, Papa Lolo stopped her. Lolo also said na “Ako na lang ang paluin mo. ‘Wag lang ang apo ko…”

I stopped crying.

Those were the words I will never forget. I felt his love. He’ll do anything to protect his grandchildren. I thought that he will witness my college graduation.

He has a heart failure and and high blood. We didn’t expect that he’ll die early. I didn’t have the chance to talk to him even through phone call. But then, he passed away. He’ll meet my grandma (his wife) and continue loving each other in heaven. I know he’s with me to guide me. I just wanna say that I love him very much. I love you, Papa Lolo…

Posted in Poems, Songs & Other Works, When Inspiration Strikes

Ang Laruan (Dagli)

“Mama, sandali lang ah! Tingnan ko lang yung laruan.” “Anak, saan ka pupunta? Hoy Amy bumalik ka dito!!”
Nasa palengke sila. Namangha siya sa ganda ng isang manika sa tindahan. Magpapabili siya. Hinanap niya ang kanyang ina.
POOTTT!! POOTTT!
“Ale, tumabi ka!” BOOGSH!
Nagkagulo ang mga tao. Nakapalibot sila sa isang babaeng duguan.
“Lasog lasog na ang katawan. Wala nang pag-asa. Kawawa naman ang pamilya n’yan.”
Naramdaman niya ang pagtulo ng kanyang luha. Mama, ba’t mo ako iniwan?
“Amy, Amy? Anak gumising ka na may pasok ka pa!” Idinilat niya ang mga mata. Inabutan siya ng isang basong tubig. Kinurot ang sarili. Humikbi nang kaunti. Panaginip lang pala!
“Teka, bakit ka umiiyak?”
Isang mahigpit na yakap lang ang itinugon sa ina.

Posted in Poems, Songs & Other Works, When Inspiration Strikes

Edukasyon: Pinakamabisang Sandata (Isang Pribilehiyo)

TEMA:
“Tugon ng mga Kabataan sa mga Isyu ng Lipunan” (Talumpati)
Magandang araw po sa lahat!
Bilang isang kabataan, nais kong ipahayag ang aking tugon sa mga isyung panlipunan.
Alam naman nating lahat na ang edukasyon ay napakaimportante para sa isang indibidwal. Ito ang siyang susi sa tagumpay. Ngunit, bawat bata ba katulad mo ay natatamo ito?
Ayon sa Artikulo 26, ang bawat tao’y may karapatan sa edukasyon. Ito ay walang bayad. Ibinibigay ito ng libre ng gobyerno. Liban na lang ikaw ay mag-aaral sa pribadong paaralan.
Isa sa mga problemang kinakaharap ng bansa ay ang hindi pantay na pamamahagi ng pondo para sa mga pampublikong paaralan, o kung hindi naman, ang pondo ay talagang kulang.
Kamakailan lamang ay may dumaang bagyo na nagdulot ng mga pinsala. Ang mga pamilyang mahihirap ay halos walang magawa. Ang kanilang kapiranggot na kita ay hindi sapat upang matustusan ang mga pangunahing pangangailangan. Kaya’t ang edukasyon ng kanilang mga anak ay naisasawalang-bahala. Para sa kanila, mukhang imposible.
Sa isang programa sa telebisyon na aking napanood, ay ipinakita ang sitwasyon ng mga batang sa murang edad, ay napipilitang maghanapbuhay para lang makakain. Dahil dito, sila ay nawawalan na ng oras upang makapag-aral. Isa pa, kung ang pambili ng bigas at ulam ay pahirapan na, higit lalo pa ang pambili ng uniporme, sapatos, lapis, bolpen, papel, atbp.
Ayon sa National Statistical Coordination Board, mahigit kumulang sa isang kapat (25.8%) ng populasyon ang napailalim sa poverty line noong 2014. Apat na porsyento ang itinaas mula 2013.
Napagtanto ko na doon pa lang ay nawawalan na sila ng pribilehiyo tungo sa isang magandang kinabukasan.
Iniisip ko, ano na lang ang mangyayari sa mga batang ito sa hinaharap? Sila ay mahihirapang maghanap ng trabaho. Kakapusin sila sa pantustos sa pangangailangan.
Ako ay nababahala sa kung anong pwedeng mangyari. Laganap ang krimen tulad ng rape, pagpatay at paggamit ng droga sa ating bansa dahil sa kahirapan at kawalan ng sapat na kaalaman. Ang dalawang ito ay ilan lamang sa mga malalaking problema na kinahaharap natin. Malungkot mang isipin ngunit ito ang katotohanan. Nararapat lamang na ito ay malutas at aksiyunan ng mga kinauukulan, at pati tayong mga mamamayan!
Ang mga bagay na ito ay sinasabi ko dahil ako’ y may malasakit.
Hinihiling ko lang sa mga kinauukulan, at maykapangyarihan, nasa kamay ninyo ang kapakanan ng ating bayan. Sana’y gamitin ninyo ang kapangyarihan at impluwensya sa mabubuting bagay. Huwag ninyong kupitin ang kaban ng bayan sa pansariling interes lamang. Sa halip, ilaan nyo ito sa mga proyektong makakatulong sa pag-unlad sa buong bansa.
Para naman sa aking mga minamahal na kapwa kabataan, tayo ang pag-asa. Tayo na’t makialam at makiisa sa pagsulong ng pagbabago sa ating bayang sinilangan, ang Pilipinas.
~Isinulat ni Kathlyn Pretzel Pianar☺�

Emptying my Head Before Sleeping

Hello Guys!
These past few days I passed by so many struggles and perhaps, I have overcomed those. For all the times that I’m alone & can’t find someone to talk about my problems to, I just write it all in my Journal. My heart aches whenever I think about my disrespectful classmate. The moment he shouted at me and t’was like a trauma for me. I want peace and I want people to speak with me softly. It’s like I remembered all my problems then consequently slapped and punched me hard. I’m the type of person in the average. I’m a sinner but definitely not a saint. I’m not so pretty yet not ugly. I’m not a genius but not dumb. So as said in Ariana Grande’s song (my idol) “You Don’t Know Me”
‘The Girl You see in photographs is only a part of the one I am so don’t judge me’
That’s all for now thanks for reading! 🙂

His Nonsense Reaction

Thinking about what to say. Hmm. I must chat him on facebook. But what will I say? After thinking for a few minutes, I just said what I want to. Yeah, I’m over him. ‘Please don’t stay away from me.’
‘We can be friends’
Guess what he replied?
-“hahaha”
I know he doesn’t care anymore. But why did he humiliate me like this? He doesn’t know how to react properly. So, no choice. I just blocked him on fb. I’m boiling mad.